TVET Advocacy Forum

Noong Enero 21, 2016 dumalo si Bernadette Herrera-Dy sa TVET (Technical Vocational Education and Training ) Advocacy Forum sa Malolos, Bulacan.

TVET Malolos
Pinamunuan ang kaganapan ni Governor Wilhelmino Sy-Alvarado, Vice Gov. Daniel Fernando, at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan, at itinampok si dating TESDA secretary, Joel Villanueva. Pinamagatan ang forum na ito na “Strengthening Partnership with Local Government Units in Promoting Technical Education and Training in Bulacan.”

Binuo ang forum na ito upang makahanap ng mga paraan upang maengganyo ang mas marami pang taga Bulacan na pagbutihin o palakasin ang kanilang mga kakayahang pang-teknikal sa pamamagitan ng suporta ng gobyernong panlalawigan at TESDA.

TVET Malolos

 

Ang  skills development at technical education ay kabilang sa mga pangunahing layunin ng  Bagong Henerasyon na  pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng tao sa pamamagitan ng pagdaragdag sa kanilang employability at pagtulong sa mga Pilipino na makahanap ng tapat at marangal na kabuhayan para sa kanilang mga pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *