Medical Mission sa Brgy. Damayan, San Francisco del Monte

May ipinarating na medical at dental mission ang BH Bagong Henerasyon at mga ka-partner na organisasyon sa Barangay Damayan sa San Francisco del Monte, Quezon City upang mabigyan ng libreng konsultasyon ang mga residente ng barangay at mga karatig-lugar.
Medical Mission Brgy Damayan

Maliban sa check-up para sa mga iba’t ibang karamdaman at libreng gamot kung kinakailangan, mayroon ding pumila para sa libreng pagbunot ng ipin na isinagawa ng mga kasamang dentista.

Medical Mission, Brgy Damayan

Ang programang ito ay alinsunod sa mithiin ng Bagong Henerasyon na matulungan ang mga Pilipinong magkaroon ng malakas na pangangatawan at mabuting kalusugan sapagkat ang taong wala nang suliranin sa kalusugan ay may kakayahang magtrabaho at mapabuti ang kalagayan nila sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *