Medical at Legal Mission sa Brgy. Coching, Pasig

Huwebes, Enero 21, 2016, nagkaroon ng medical at legal mission sa Barangay Buting, Pasig ang Bagong Henerasyon BH Partylist at ilan pang partner foundation.

Medical Legal Mission

Nabigyan ng pagkakataon ang mga residente ng nasabing barangay na magpa-konsulta sa doktor, pedia, optometrist, OB-GYNE, at iba pa. Kabilang din sa serbisyong inihatid kanina sa mga taga-Buting ay ang libreng bunot at konsultasyon sa dentista, pati na din ang libreng gamot para sa mga nagpa-check-up.

Mayroon ding naganap na libreng legal services sa tulong ni Atty. Pablo Ajeste, para sa nangangailangan ng advice mula sa abugado.

Medical Legal Mission
Ang medical mission  at  legal mission na ito ay ilan lamang sa mga proyekto ng Bagong Henerasyon na naglalayong puksain ang mga isyung tulad ng sakit, kakulangan sa edukasyon, at kahirapan, at bigyang lakas ang mga tao upang mabuhay nang may kalusugan, dignidad at integridad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *