Medical Mission sa Barrio Obrero, Pandacan

Kaninang umaga, 28 Enero 2016, nagkaroon ng medical at legal mission para sa mga residente ng Barrio Obrero sa Pandacan.

Medical Mission Obrero 1
Tulad ng mga naunang proyektong katulad nito ng BH Bagong Henersayon at mga partner na foundation, nagkaroon ng pagkakataong magpatingin sa doktor, pedia, at dentista ang mga taga-Obrero.

Kasama din po sa mga serbisyong pang-medikal ay ang libreng gamot, blood sugar testing, at pagpapabunot ng ipin.

Medical Mission Obrero 2

Mayroon din pong libreng legal consultation para sa mga nangangailangan ng advice mula sa isang attorney.

Sa mga nagpunta po sa Medical at Legal Mission na ito, sana po ay nakatulong kami sa inyo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *