Computer on Wheels sa Lucena City at Dolores

Inilunsad noong 20 Enero 2016 sa bayan ng Dolores at sa Lungsod ng Lucena na parehong nasa lalawigan ng Quezon ang “Computer on Wheels.”

12647257_10153265054985825_6679764322004037386_n

Ang award-winning na programang ito ay pinangungunahan ng Bagong Henerasyon kasama ang Kiwanis upang matulungan ang mga guro na madagdagan ang kaalaman nila sa paggamit ng mga computer nang mapadali ang kanilang trabaho at maipasa nila ang kanilang mga natutunan sa kanilang mga mag-aaral.

COW in Dolores and Lucena
Lulan ng isa trak ang isang classroom at ilang computer terminals na gagamitin ng mga kalahok sa pag-aaral ng word processing, presentation making, at iba pa. Nagtutungo ang track na ito sa mga lugar kung saan may mga nais matuto ng computer literacy ngunit walang sapat na kagamitan.

128 na guro na taga-Lucena at Dolores ang pumunta sa DepEd-accredited na Computer on Wheels program na magtatapos sa 05 Pebrero 2016.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *