Ating Balikan: Basic Haircutting Techniques Seminar

Nagkaroon ng Basic Haircutting Techniques Seminar si dating Konsehal  “BH” Herrera-Dy kung saan tinuruan ng mga pangunahing kakayahan ang mga kasapi mula sa iba’t-ibang lugar sa Quezon City. Sa ilalim ng pagtuturo ni G. Rolly Parafina, nabigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa mga terminong ginagamit sa paggugupit ng buhok, pati na rin sa practical na skills na ipinakita sa pamamagitan ng demo.

Pagkatapos ng tatlong araw na pagsasanay, nabigyan ang mga kasapi ng “kit” na naglalaman ng gunting, suklay, at mga clip para lalong makapag-praktis at ma-engganyo silang ipagpatuloy ang paggugupit ng buhok bilang kabuhayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *